What is ChalkNot?

Thursday, August 20, 2015

I do

Dear you-know-who-you-are,

First of all, I would like to thank you for all the kindness you have shown me. It is not everyday that someone (of course, aside from my parents) makes me feel that I am special.  Who would have thought that there’s a person who would notice that a chubby, fair-skinned, blemished and not-so-pretty woman has been existing for decades already?

Let me recall how “we” started. I was a typical girl who is very dedicated to work and almost forgot to think about her self.  The thought of having been taken care by someone was the least thing in my bucketlist. Being through heartaches, though I haven’t been into any serious relationships, and seeing people close to me who are not that lucky in love were some of the reasons why I do not want to get involved in any relationship. Well I admit, the thought of being with my special someone lingers to my mind. But I already prepared myself to be single forever if ever that won’t happen.

One night, a message popped on my phone's screen. It was you who sent me a message. It was not the first time that I received a message from you, since we are colleagues in the same field of work. But it was the first time that I received that kind of message. It was not the usual message that you send. It was something not related to work. It was something special.

Though I felt strange, I didn’t give any interpretation on that. I just ignored it, thinking that you were just cracking a joke. I reply whenever you send me messages. But our exchange of non work-related messages became often. The simple hi and hellos became good morning, what are you doing, where are you now, good night, sweet dreams.

During those times, I just see you as a friend. But in an unexpected moment, which I cannot recall when it started, that platonic feeling was transformed into more serious one. Your smiley emoticons suddenly made me blush. I entertained the thought of seeing you in a new light, started to notice how unique you are from others.

Yes, you are unique from others. You inspired me to do things which are very impossible for me to do. For the longest time of trying to be fit and healthy, it was only you who inspires me to get slim. I was a night owl type of person but you made me wake up early in the morning to jog on a regular basis. I opt not to eat the foods that I want. I wanted to lose weight not just because I want to, but because you said so. And it was a success. Thanks for the help.

Every time I receive messages from you, there is a feeling that I can’t explain, a feeling that I haven’t felt before. A feeling of excitement and at the same time a feeling of having a fever. I do not have insomnia but I had sleepless nights. I was supposed to ask for medical advice, but a friend told me that I am not sick. I may be just in love.

During those times, there was one song that best describes us. “Anyone who sees us knows what’s going on between us. It doesn’t take a genius to read between the lines.” I know that it was just a wishful thinking and it was only me who is dreaming that there is something between us. But I don’t want to assume that you have feelings for me too. I just want to wait for the perfect time to come.

But just like any other stories, everything has its own ending. Fairy tales do have happy ending, while some true-to-life stories don’t have. And yes, I realized, this ain’t no fairy tale. I am not a Disney Princess character, and you are not a Disney Prince either.

Once and for all, I am writing this letter without the intention of sending it to you. I do not have the courage to ask you about your feelings for me. I am not brave enough to listen on what could be your answer if I ask you the question "Do you like me too?" I do not have the courage to tell you what I feel for you. I do not have the courage to love a person who does not love me like I DO.


Friday, August 14, 2015

"SINGLE JOURNEY"


Kay tagal mong naghintay
Halos mamuti na ang mata mo sa kakahintay 
Kaya naman natuwa ka nung may dumating
Yun nga lang, sa maling lugar ka nagabang.
Nagmadali ka. Hinabol mo siya
At habang naghahabol ay nakita mong nakasakay na yung iba
Hanggang sa nagsara na ng pinto
Hindi na niya nagawang maghintay.
Bigo ka nang makasakay.

Naghintay ka muli
Pero sa pagkakataong ito, plinano mo kung saan pupwesto
Sinigurado mo na maghihintay ka sa tamang lugar
Para kung mayroon mang dumating
Hindi ka na maghahabol.
Hindi ka maiiwan sa biyahe.
At hindi ka nga nagkamali.
Mayroong dumating
Sa tamang oras, sa tamang lugar.
Pero pagbukas ng pinto,
Nakita mo, puno.
Wala nang bakanteng lugar para sa iyo
Ngunit nagbakasakali ka pa rin na baka pwede pa
Kaya't ipinilit mo ang sarili mo
Kahit nasasaktan ka na.
Pilit mo pa ring isinisiksik ang sarili mo
Makasabay lang sa biyahe niya.
Kaso, talagang hindi ka na kakasya
Kaya kusa ka na lang humakbang, paatras
Hinayaan mo silang umalis.
Hinayaan mo sila.

Pero sa kabila nito, hindi ka nawawalan ng pagasa
Hindi pa naman siguro dumaan ang last trip
Mayroon pa sigurong darating
Yung hindi mo kailangang habulin
Yung hindi mo kailangang ipilit ang sarili mo
Mayroon pang darating na magbubukas ng pinto
Sa tamang lugar, sa tamang panahon
At sa kanyang pagdating, alam mong hindi ka nakikisiksik lang
Dahil mayroong"reserved seat" na sa iyo inilaan.

#FreeVerse
#Poetry
#PhilippineLiterature
#SlamPoetry
#TripLang
#SingleJourney
#IdaanSaTulaAngBadtripSaMRT
#ConsistentSaPoorService

Monday, May 4, 2015

The Pen with a Purple Ink

Before the multicolor pens came out, there were only blue and black pens. But there was a unique pen, she is neither black, nor blue. And this is her story.

Once there was a lonely pen. Not because she is alone, but because no one picks her to be their pen. Her characteristic is so unique. She is a pen, and yet her ink is purple. Other pens admire her for the beautiful ink that she produces. But still, no one chooses her to be their own pen.

She asked the other pens, "Why do people don't want me to be their own pen?" The black pen answered, "Maybe because your ink is too beautiful that they are afraid you might get empty when they use you." Another pen answered, "Maybe because they do not know where they're gonna use you. You are a pen but your ink is purple. They can't use you as a typical pen for writing because they need either blue or black ink like us. They can't even use you for coloring because you are a pen."

Almost everyday, the pen with a purple ink bids goodbye to her fellow pens who leave because they found someone who would own them, with the names of their new found owner engraved on them. Pens just come and go, but the pen with a purple ink remains on the rack.

One day, while the pen with a purple ink was sleeping, a loud voice woke her up.

"Is this the only blue pen that you have?", the voice said.

"We ran out of blue pen, sir. We only have black pens and that single purple pen."

"Isn't it a blue pen? Ah, never mind, I'll just get it."


All pens on the rack giggled and cheered for the purple pen.

"At last! There is someone who noticed you! I think he will pick you," one of the black pens said to the purple pen.

"I don't think so," said the purple pen. "I heard he is looking for a blue pen. He just mistook me for a blue pen."

"Well, it doesn't matter. As long as you got his attention.", the other black pen added.

"Do you want your name to be engraved on this pen, sir?" said the lady.

"Hmm, I'll still think about it.", the guy answered.

The guy left and took the purple pen, thinking that it was a blue pen.

The pen with a purple ink felt happy because finally, someone pays attention to her uniqueness. But she was still in doubt, knowing that she was chosen not because of what she really is, but because of what the guy thought she was.

The guy took the pen to write a book, but he writes very seldom. He only writes when he needs to cheer himself up. He picks the purple pen when he has spare time to write, or when he remembers to use the pen. The purple pen feels upset when her owner forgets her. But every time the owner gets her and uses her for writing, she feels fulfilled because she was able to serve her purpose as a pen -- to be a part of writing his owner's life story.

Years have passed, the purple pen and her owner created a good relationship. Despite that she was mistaken for a blue pen, she stays faithful to her owner, providing him the things he need and cheering him up through writing.

But there was a time that the guy didn't write for a while. The pen with a purple ink noticed that her owner doesn't get her to write. She thought that her owner was just too busy. But it has been so long, and it was unusual.

One day, while the pen was on her owner's table, she heard the conversation of the paper and the planner.

"Have you seen the new pen our owner is using now?"

"Oh yeah. The new blue pen. It seems that it was not bought here."

"Exactly. It just arrived recently. And I heard that our owner wants his name to be engraved on that pen."

The moment that the purple pen was afraid of has arrived. It is the part of the story that she doesn't want to write. She didn't know what to feel or how to react on what she just heard. Though reality bit her, she was not that surprised anymore when she heard the news. She knew that there will come a time that she will no longer be the pen that her owner prefers to use. That is because she is just a pen -- a purple pen who was mistaken for a blue pen.

The pen with a purple ink went back to where she formerly belongs. She remains to be a pen without a name engraved on her. Despite what happened, she continues to write stories, but this time, her own life story.  Together with other new purple pens, she embraced her purpleness and started to love her own ink. She will never be or ever dream of being a blue nor black, and will not let anyone mistook her again for another pen.



Sunday, December 8, 2013

"Pagod na ang Puso ko... Ayoko nang Umibig pa".

Naranasan mo na ba ang umibig? Eh yung umibig at masaktan?

Kung minsan, dahil sa curiosity, hindi ko maiwasan na maginterview ng mga mas matanda sa akin na wala pa ring asawa kung bakit hanggang ngayon ay single pa rin sila. Sa ilang mga nakausap ko, ang isa umano sa mga dahilan kung bakit nila pinili ang maging "matandang dalaga" ay dahil bukod sa may mas mahalagang bagay silang hinaharap, ay dahil sa mga hindi masyadong magagandang experiences nila patungkol sa pag-ibig. Sabi nila, sapat na sa kanila yung magmahal ng minsan at nasaktan. Ayaw na daw nila kumuha pa ng batong ipupukpok lang ulit sa ulo nila.

Minsan, sinasabi ng tao takot siya magmahal. Pero kung tutuusin, hindi talaga tayo takot magmahal, kundi takot tayong masaktan. Kaya para huwag masaktan, hindi na lang tayo nagmamahal (or should I say, pinipigilan natin ang ating sarili na magmahal).

Isang paraan yun para iwas sakit ng kalooban. Dahil kung minsan, yung akala mo ay pagibig na, ay siya palang magiging dahilan para masaktan tayo ng lubusan. May pagkakataon sa buhay natin, umibig ka sa isang tao, na sa kanya lang umikot ang mundo mo, na ibinigay mo na ang lahat sa kanya, ngunit sa bandang huli ay iiwan ka lang niyang mag-isa (read: nga-nga). Kung minsan, umibig ka sa isang tao, yun pala mayroon na siyang iba. At kung minsan naman, umibig ka sa isang taong akala mo ay siya na, yun pala ay di lang ikaw-- kundi marami pala kayo buhay niya. Kung lahat ng ito ay naranasan mo, at hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nakakatagpo ng para sa iyo, maiintindihan na siguro kita kung bakit masasabi mong "pagod na ang puso ko na umibig, at ayoko nang umibig pa".

Ngunit mayroon namang sinasabi si Shakespeare na, "It is better to have loved and lost than never to have loved at all". Hindi lang naman kasi sakit at sama ng kalooban ang maidudulot ng pag-ibig. Hindi lamang iyon ang kahulugan ng pag-ibig. Malawak ang sakop ng salitang "pag-ibig". At hindi ito nauukol lamang sa dalawang taong nagmamahalan.

Sa aking personal na karanasan, marami akong natutunan dahil sa pag-ibig. Ang pag-ibig ang nagtuturo sa akin na magkaroon ng lakas ng loob na magpatuloy sa kabila ng mga challenges na dumadating. Dahil sa pag-ibig, natutunan ko na unahin muna ang sa iba kaysa sa sarili. Dahil sa pag-ibig, mas naging maingat ako sa aking pagdedesisyon at sa paggawa para huwag masaktan ang kalooban ng iba at para manatili sa mga bagay na ipinagkatiwala sa akin. Dahil rin sa pag-ibig, mas natuto akong magtiwala sa magagawa Niya at hindi sa sarili kong pang-unawa. At higit sa lahat, dahil sa pag-ibig, nagkaroon ako ng biyaya mula sa Kanya, na ipinagkaloob Niya sa akin dahil pa rin sa pag-ibig.

Kahit ano man ang naranasan natin dahil sa pag-ibig, walang dapat pagsisihan sa mga ito. Kundi bagkus, dapat itong magsilbing aral sa atin. Hindi sapat ang sakit na naranasan natin para manghimagod tayo at mawala ang pagibig. At kahit ano man ang mangyari, kahit ano pa man ang aking maranasan, sa awa't tulong Niya at patuloy pa rin akong iibig at iibig pang muli. Dahil alam ko na ang pag-ibig ay nananatili, at ang tunay na pag-ibig ay hindi nagwawakas.

Tuesday, November 12, 2013

Lola Malyang

Isang madaling araw, bigla akong naalipungatan sa pagkakatulog ko. Nakita ko si Lola nasa loob ng kwarto.

"O, 'la. anjan ka po."

Si Lola Malyang.  Siya ang nanay ng nanay ko. Malambing. Mabait. Hindi marunong magalit. Kahit anong hirap ang pinagdadaanan, hindi ko siya narinig na dumaing. Sa kanya ako lumaki. Maliit pa lang akong bata ay siya na ang nagalaga sa akin. Palagi niya ako nun hinihiram kina Mama para magbakasyon sa bahay niya. Sa madalas na pagkakataon kasi noon, tanging ang portable TV niya na black and white at ang pusa niyang si Pelota ang kasama niya sa bahay. Kaya naman nung Grade 1 ako ay napagdesisyunan ng magulang ko na lumipat na lang kami at tumira sa bahay ni Lola.

Tuwing umaga ay ipinapasyal kami ng kapatid ko noon ni Lola sa may Irasan o asinan. Tuwang tuwa kasi ako kapag nasisikatan ng araw ang mga bundok ng asin. Kumikinang ito na parang mga diamante. Madalas rin kaming isama na magpipinsan ni Lola Malyang sa trabaho niya sa Greenhills. Isa kasi siyang taga burda nsa damit lalo na sa mga barong. Mahusay sa pagbuburda si Lola. Kaya naman nakapagtrabaho siya sa palasyo ng isang prinsipe ng Saudi para maging taga burda.

Nung nasa Saudi si Lola, hindi namin maiwasang magalala sa kanya. Lalo na't nung panahon na iyon ay sumiklab ang Gulf War. Wala pa naman kasing internet noon at cellphone para mas madaling macontact si Lola. Kinakailangan pa namin pumila ng mahaba sa PLDT para makapag overseas call. Nasubukan na rin naming makitawag sa DZRH sa programa ni Rey Langit na "Around The World with Love" kung saan may serbisyo silang Libreng Tawag overseas. At sa tuwing nagpapadala ng voice tape si Lola, hindi ko maiwasang mapaiyak kapag naririnig ko ang boses niya. Lalo akong naiyak noong nagrecord pa siya na inaawit niya ang "Handog" ni Florante.

Awa ng Dios ay nakauwi si Lola dito sa Pilipinas. Mula noon ay hindi na namin siya pinabalik ba sa ibang bansa kahit maganda pa ang offer. Ayaw na rin sana namin siya pagtrabahuin nun pero mas gusto daw niya ang may ginagawa. Kaya bumalik siya sa trabaho niya sa Greenhills.

Si Lola Malyang din ang nag-aalaga sa amin ng kapatid ko kapag nasa trabaho sina Mama at Papa. Hanggang sa nag high school na kami ay siya pa rin ang kasama namin. Kaya nga siguro pati yung ibang mga katangian niya ay namana ko na, gaya ng sobrang bagal kumilos. :)

Nakita ko rin kay Lola ang pagiging maka Dios. Palagi niya ako sinasabihan nun na magdasal lang palagi. Palaging humingi ng tulong sa Kanya, at Siya na ang bahala. Nung maanib sina Mama at Papa sa Church of God (Ang Dating Daan), nakikita ko si Lola na nakaupo sa may hagdan at pasimpleng nagsusulat ng mga talata sa biblia. Kung minsan nga, kahit siya lang mag-isa ay nanonood siya kay Bro. Eli.  Kaya nga nung nagtanong siya kung paano daw umanib sa ADD ay natuwa kami. Kaya sabi ko sa kanya nun, pagtungtong ko ng college, sabay na kami magpapadoktrina. Ilang buwan na lang naman yun.

Isang araw, napansin namin na parang tumataba si Lola. Pero iba ang pagkaka taba niya. Kapag hinawakan ko ang braso nya o kaya naman ang binti niya, lumulubog at nagmamarka ang daliri ko. Nung nagpacheck up siya, nalaman na mayroon siyang Kidney Failure. Hindi na nagfufunction ang kanyang bato at kumalat na ang tubig sa kanyang katawan. May ilang panahon pa na palang iniinda ni Lola ito, hindi lang siya nagsasabi sa amin. Ayaw daw niya kasing mag-alala kami o mapabigatan. 

Mula noon ay hindi na namin pinagtrabaho si Lola. Unti unti rin namin napansin ang paghina ng kanyang katawan. Hindi na niya nagagawang umakyat-baba sa hagdan. Palagi na lang siya nakahiga. Ayoko ng nakikitang pahina ng pahina si Lola. Pero sa kabila ng paghina ng kanyang katawan ay pilit niyang ipinapakitang kaya niya. Sa panahong ito, ako ang naging taga pag-alaga niya. Ito na rin marahil ang magandang pagkakataon para masuklian ko siya sa pag-aalagang ginawa niya sa akin mula ng maliit pa ako. Ako ang naging kasama niya palagi sa pagpapacheck up sa doktor.

Dahil mahal ko si Lola Malyang, halos lahat ng gusto niyang kainin ay ibinibigay ko. Nabigo lang akong mabigyan siya ng request niyang mami pagkatapos namin magpacheck up dahil malayo ang bilihan. Kaya sabi ko, mag spaghetti na lang kami sa McDo. Biniro ko pa siya na noodles rin naman yun, wala nga lang sabaw. Pumayag naman siya. Bakas sa mukha ni Lola na masaya siya habang kumakain ng spaghetti. Masaya rin ako dahil sa tagal naming magkasama ay first time namin kumain noon sa McDo na kaming dalawa lang.

Sa paglipas ng mga araw, napapansin naming hindi bumubuti ang kalagayan ni Lola Malyang kahit na anong gamot ang ireseta ng doktor. Kaya naman isang buwan bago ang kanyang kaarawan ay dinala na namin siya sa ospital para ipaconfine. Ang daming gamot na pinabibili ng doktor. Lahat, hindi tinatanggap ng katawan ni Lola. 

Dinala siya sa ICU. Umabot na daw ang tubig sa baga ni Lola. Kailangan siyang maobserbahan ng mga doktor. Hindi na rin namin makausap si Lola noon dahil natutulog siya. Mayroong oxygen at swerong nakakabit kay Lola. Nakikita ko, nahihirapan si Lola Malyang sa paghinga. Ayoko ng nakikita ko. Ayokong isipin na mawawala sa amin ang Lola Malyang ko.

Pasado alas-dose na nun. Kahit tulog siya ay nagpaalam na kami sa kanya. Unang araw kasi ng pasok ko sa college kinabukasan. Sabi ko kay lola, magpagaling siya. Kasi, meron pa kaming dapat  gawin. Magpapadoktrina pa kami.

Nakatulog ako sa bahay ng mamumugto ang mata kakaiyak.

Kinabukasan, gumising ako ng maaga para maghanda sa pagpasok. Di gaya ng ibang mga estudyante na excited sa unang araw ng klase bilang College, ako naman ay nagaalala pa rin sa kalagayan ni Lola Malyang. Bago bumangon ay nanalangin ako na sana, pagalingin Niya si Lola Malyang. Pag gumaling siya, pangako ko, magpapadoktrina kaming dalawa.

Pagbaba ko, nakita ko si Mama at ang tito ko na kapatid niya sa kusina. Tahimik. Tinanong ko sila. "Kumusta si Lola?"

Sumagot si Mama, malumanay. 

"Wala na si Lola mo nak e."

"Ah, ok po. Ligo na ako Ma."

Hindi ako nagpakita ng kalungkutan kina Mama. Dahil alam kong iiyak sila pagka umiyak ako. Kaya pagpasok ko sa banyo, dun ko na ibinuhos lahat.

Alam kong darating kami sa ganitong sitwasyon. Handa na naman ang kalooban ko. Nauunawaan ko rin na kalooban ito ng Dios para huwag na mahirapan pa si Lola. Pero masakit at nakakalungkot pa rin dahil alam kong mawawala na sa amin si Lola Malyang habambuhay. Hindi lang ito kagaya ng pag-alis niya papunta sa Saudi. Hindi ko na makikita ulit si Lola Malyang.

Halos isang buwan pagkatapos mailibing si Lola Malyang, at pagkatapos namin ipagdiwang ang kaarawan namin, nagdesisyon ako na magpadoktrina. Kahit wala na si Lola Malyang, itinuloy ko ang pagpapadoktrina ko. At awa ng Dios ay naging kaanib na ako sa Church of God. Nagpadoktrina ako dahil bukod sa alam kong ito ang totoo, alam ko ring ito rin ang gusto ng Lola ko.


Isang madaling araw, bigla akong naalipungatan sa pagkakatulog ko. Nakita ko si Lola sa kwarto.

"O, 'la. anjan ka po."

"Wala lang 'day. Kinumusta ko lang kayo"

"Ayos lang naman kami 'la. Ikaw po?"

Ngumiti si Lola.

Gusto ko sana bumangon at yakapin si Lola nun. Pero bigla na akong nagising, na lumuluha.

Sana, magkita ulit kami ni Lola Malyang. Kung hindi man dito, kahit doon sana sa buhay na darating.

Thursday, October 31, 2013

Another Taxi Story: An Encounter with Echoserong Driver

Sa isang kagaya kong commuter, madalas ay mayroong kwentong nabubuo sa pagbibyahe. Gaya na lang ng naisulat kong article dati na "A Taxi Story".

Iba-iba ang tema ng kwentong nabubuo sa pagcocommute ko. Minsan comedy. Minsan nakakainis. Minsan naman, medyo creepy. At meron naman parang ewan lang. Gaya nitong experience ko na isinulat ko.

Note: Medyo mahaba-haba ito kaya ihanda na ang inyong mahabang pasensya.

Galing ako sa duty ko sa far north. Gaya ng dati, hindi na ako nakaabot sa LRT at MRT kaya minabuti ko nang sumakay ng taxi papuntang Lawton.

Kahit sa pagpili ng taxi ay pihikan ako. I don't settle for less. Kaya naman nang nakatyempo ako magandang klase ng taxi ay agad kong pinara.

Observant din ako kapag sumasakay rin ako ng taxi. Tinignan ko yung driver, mukhang matino naman. Maganda naman yung taxi na nasakyan ko. Bagong modelo yung sasakyan, Vios yata kung tama ang pagkakatanda ko. Diesel ata ang gasolina kaya hindi nangangamoy LPG sa loob. Mabago din ang loob ng sasakyan. Maganda rin ang sounds ni manong driver.

"Lawton lang po 'ma".

Normal na sa akin yung tinatanong ng driver kapag nasa taxi. Naiintindihan ko ang kalagayan nila. Minsan kelangan nilang makipagchikahan para magising. Kailangan ko rin maging friendly sa kanila. Hindi pwedeng magtaray,mahirap na. Pero kapag nagtatanong yung mga drivers, hindi lahat ng sagot ko ay totoo. May ilang totoo, may ilang hindi, at merong ilan na bunga lang ng aking imahinasyon. (Buti na lang hindi ko kamag-anak si Honesto.)

Habang nasa byahe, nagtanong si manong driver. "San pa kayo nauwi nyan, ma'am".

"Sa Paranaque pa ho."

"Ah. Tapos ganitong oras kayo umuuwi? Ang layo naman ng inuuwian ninyo sa trabaho ninyo."

"Ah, opo. Dyan lang may bakante eh."

Gaya ng sabi ko, hindi lahat ng sagot ko sa mga tinatanong sa akin at totoo. Friendly naman ang naging takbo ng conversation namin, pero nakikiramdam lang din ako sa mga tanong niya. Kailangan maging alisto.

Mukha namang mabait si kuya driver. May pagka chikadora nga lang. Kaso sa mga sumunod na tanong niya, hindi ko na alam kung ano at paano ko sasagutin.

"Eh nasaan po ang asawa ninyo, misis?"

Sa loob-loob ko, "echusero 'to ah. Mukha na ba talaga akong MISIS? At pati private life ko inuusisa?!" Pero siyempre, kalma lang dapat. Mahirap na.

"Ah, nasa abroad po e."

"Ganun ba misis (may emphasis ang salitang MISIS). Dapat dito na lang siya sa Pilipinas para may nagsusundo sa inyo. Gabi pa naman kayo umuuwi."

Sinagot ko na lang, "Hehe. Kelangan po e."

Panandaliang naputol ang kwentuhan namin ng pinatugtog sa radyo ang "Minsan Lang Kita Iibigin" ni Ariel Rivera. Dahil super favorite ko itong kantang ito, ninamnam ko muna ang bawat lyrics at melody.

Pagkatapos ng kanta, nagtanong na naman si manong driver. "Eh sino ang inuuwian mo sa Paranaque?"

"Magulang ko po". 

"Ah. Eh paano yung anak ninyo?"

"Magulang ko po". Inulit ko lang yung sagot ko, with same tone.

"Kaya pala sa magulang nyo kayo umuuwi", sabi ni driver habang nakatingin sa rear mirror.

"Pero misis, wag nyo sana masamain ha. Mukha ka pang bata. Wala sa itsura mo ang may anak." Pambobolang banggit nung driver.

Sa loob-loob ko na naman, "wala pala sa itsura ko, bakit misis agad ang ibinungad mo?"

Pero dedma lang ako sa sinabi nya. Nagtweet na lang ako ng "Etchuserang taxi driver. Humanda ka iboblog kita paguwi :))"



Dahil siguro wala na siyang ibang matanong, nagbago siya ng topic.

"Anong trabaho mo misis? Sa banko ka ba o opisina..."

"Teacher po ako."

"Ah talaga. Ayaw mo magpulis? Sayang eh, ang tangkad mo pa naman. Ano ba height mo?

Natawa ako sa offer niyang magpulis. Bagamat di ako sigurado, sabi ko na lang 5'5" ang height ko.

"Sayang yung height mo. Pwede ka namang magteacher at magpulis ng sabay. Pwede yun, dalawang trabaho.. Ako nga sideline ko lang itong pagtataxi eh."

Medyo napaisip ako sa sinabi nya. Kaya nagtanong ako. "Ano pa ho ba ang iba nyong trabaho bukod sa pagtataxi?"

"Pulis talaga ako sa araw. Sa gabi ako nagtataxi tsaka pagka off ko." sagot ni mamang driver.

"Ahhh. Talaga po? Ano na rango nyo", may pagka interesadong tanong ko.

"Sarhento. Sa Camp Bagong Diwa ako naka base", may pagpapakumbabang sagot niya.

"Eto po ID ko. Baka sabihin n'yo nagsisinungaling ako." sabay pakita ng ID.

"Wow ang galing naman! Eh mukhang ang bata pa ninyo ah. Ilang taon na ba kayo?"

"Trenta'y singko. Talagang nagfocus lang muna ako sa pagpupulis. Kaya nga hindi pa ako nagaasawa e. haha." natatawang sabi ni mamang driver.

Pero in fairness, may itsura naman si kuya driver. Kaso hindi ko na isusisa ang tungkol sa buhay niya. Mamaya ano pa isipin nya.

"Kung interesado kang magpulis, kuha ka lang ng exam sa NAPOLCOM. Pwede ka naman magturo sa loob ng kampo. May eskwelahan dun para sa mga detainee. Meron nga kami kasamahan teacher dun pero pulis din. Meron naman nurse na pulis.", kwento niya.

"Ah talaga po. Sige magiinquire ako."

Medyo nagkaroon ako ng bahagyang interes sa sinabi nya. May mga itatanong pa sana ako kaso malapit na ako bumaba.

"Dyan na lang po ako pagbaba ng tulay", sabi ko sa kanya habang tinuturo yung mga nakaparadang FX.

"Sige misis, pag interesado ka magpulis, hanapin mo lang ako sa Bagong Diwa. Tsaka kung kelangan mo ng taxi, mag text ka lang. Sa Taguig lang naman ako. Eto pala number ko..."sabay dikta sa number niya.

Sinave ko sa phone ko yung number. Sabay abot ng bayad.

"Sige po, sa inyo na yung sukli".

"Sige misis. Salamat. Ingat ha. Text ka na lang.", sabay andar ng taxi.


Paguwi ko dito sa bahay, sinearch ko sa phonebook ko yung sinave kong number niya na may pangalang "Sgt.".... sabay DELETE. :)

Monday, August 26, 2013

Pork Barrel, Politicians, and Public Service

August 26, 2013. Holiday dahil National Heroes Day. Bagamat wala kaming pasok sa school, kinailangan ko pa rin pumunta dahil mayroon kaming meeting ng mga instructors. Habang nasa byahe ako ay naipit naman ako sa matinding traffic mula Roxas Blvd. hanggang T.M. Kalaw. Mayroon nga palang Million People March na ginaganap sa Luneta. Halos daang libong taong mga nakasuot ng puti ang nakikita kong may dalang mga placards. Lahat sila kontra sa Pork Barrel. Lahat sila gustong iabolish na ang Pork Barrel.


Ano ang Pork Barrel?
Ang paggamit ng salitang PORK BARREL ay nagmula umano sa mga kasaysayan ng mga Amerikano. Noong panahon daw kasi bago ang Civil War, binibigyan ang mga alipin sa Amerika mula sa bandang katimugan ng mga baboy na nasa bariles bilang regalo sa holiday. Ang mga alipin naman ay nakikipagkumpitensya sa ibang mga alipin para makuha ang parte nila sa nasabing regalo.

Ngunit pagdating sa politika, ang Pork Barrel ayon sa http://tl.wikipedia.org ay ang nilaang malaking halaga ng pambansang taunang badyet ng pamahalaan sa mga mambabatas ng bansa. Ang bawa't senador ay pinaglalaanan ng 200 milyong piso at ang bawa't kinatawan ay pinaglalaanan ng 70 milyong piso sa programang tinatawag na Priority Development Assistance Fund o PDAF.

Bakit gusto (o mahalaga) ng mga politiko ang Pork Barrel? 
Para sa mga politiko, mahalaga ang mabigyan sila ng Pork Barrel o ng bahagi sa taunang badyet ng pamahalaan dahil ito ang nagagamit nila para matustusan ang kanilang mga proyekto para sa mga mamamayan.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, ang isang kurakot na mambabatas ay maaaring makakuha ng hindi bababa sa 20 porsiyentong komisyon sa paggamit ng kaniyang taunang itinalagang pork barrel para sa inprastraktura at iba pang mga proyekto. Ayon din kay Lacson, ito'y nangangahulugang ang isang kurakot na senador ay maaaring makapagbulsa ng 40 milyong piso kada taon, 240 milyong piso sa anim na taon at 480 milyon sa 12 taon.

Ito ang ipinaglalaban ng mga raliyista -- ang alisin na ang Pork Barrel dahil ito ang nagiging dahilan ng corruption. Imbes na mapunta sa taumbayan ang buwis na kanilang ibinigay sa pamamagitan ng mga proyekto, ay napupunta lang sa mga bulsa ng mga kurakot na politiko.


Makakagawa ba ng proyekto ang mga politiko kahit walang Pork Barrel?
Oo, makakagawa pa rin ng proyekto ang mga politiko kahit walang Pork Barrel. Kung bibigyan man sila ng Pork Barrel, dapat lang ay tama ang paggamit nito. Pero kung tutuusin, hindi na talaga nila kailangan ng Pork Barrel. Hindi ba't kaya sila tumakbo noong eleksyon dahil gusto nila maging PUBLIC SERVANT? Ibig sabihin, maglilingkod sila sa bayan sa kanilang sariling paraan, hindi sa paraang kukuha sila ng pera sa mga mamamayan na siya nilang gagamitin para pang tulong din sa mga mamamayan. Para na nilang ginisa sa sariling mantika ang mga tax payers.

Kaya nga noong may nabasa akong article na sinabi umano ng isang Congresswoman sa isang probinsya na "Ok lang na alisin ang pork barrel. Basta huwag lang manghihingi sa amin ang mga mamamayan. E ano'ng ibibigay namin? Hindi naman pwede yung pinaghirapan namin dahil sa personal naman namin 'yun, sa mga anak, sa mga pang-araw-araw na panggastos namin." Sa loob-loob ko, hindi ata nalalaman ng Congresswoman na ito ang salitang "PUBLIC SERVICE". Kaya ka lang ba tutulong sa mamamayan kapag binigyan ka ng pera na galing rin sa kanila? At kung wala nang ibigay sa iyo, hindi ka na gagawa ng mabuti sa kapwa mo dahil yung pera mo ay para lang sa inyo ng pamilya mo? Hindi ko alam bakit siya nanalo kung ganun ang pananaw niya.


Public Service Without The Pork Barrel.
Hindi kinakailangan ng Pork Barrel para makatulong sa mamamayan. Sa katunayan, nagagawa nina Bro. Eli Soriano at Kuya Daniel Razon na tumulong sa kapwa kahit hindi sila politiko at wala naman silang pork barrel na natatanggap. Nagagawa nila ang iba’t ibang paglilingkod sa kapwa ng LIBRE at walang hinihintay na kapalit gaya ng mga sumusunod:
  • Libreng Sakay (Bus, Jeep, Lantsa, Eroplano)
  • Free Clinic (everyday)
  • Free Transient
  • Free Legal Consultation
  • Free Education (Preschool to College)
  • Feeding Programs
  • 24/7 Rescue (Tulong Muna Bago Balita / Tulong Muna Bago Pasada)
  • Orphanage 


photos courtesy of  http://www.danielrazon.org

Bukod pa dito ay on-going ang UNTV Cup, isang basketball league na panukala ni Kuya Daniel Razon kung saan mayroong 7 teams na naglalaro para sa premyong 1 milyong piso. Ngunit ang halagang ito ay hindi mapupunta sa mga manlalaro kundi sa charitable institution na napili nilang tulungan.

 photo courtesy of  http://www.untvweb.com 

Ang Konklusyon
Mahalaga ang Pork Barrel kung tama ang paggamit dahil maari itong gamitin para sa mga proyektong ang pangunahing makikinabang ay ang mga mamamayan. Pero hindi dapat nakadepende lang sa Pork Barrel ang pagtulong sa kapwa. May Pork Barrel man o wala, magagawa mo pa ring makatulong sa kapwa tao kung talagang gugustuhin mo. Dun mas makikita ang intensyon ng tao lalo na ng mga politiko kung sinsero sila sa pagtulong. Maari namang makagawa ng mga public services ang mga politiko kahit walang pork barrel. Katunayan, nagagawa ito nina Bro. Eli Soriano at Kuya Daniel Razon. Bagama’t hindi sila mga politiko, bagama’t wala silang Pork Barrel, at bagama’t pinasasama sila ng mga kaaway nila, patuloy pa rin ang kanilang paglilingkod sa kapwa, at patuloy na ginagawa ang tunay na kahulugan ng PUBLIC SERVICE.