
What is ChalkNot?
Wednesday, November 16, 2011
An Interrupted Ambition

Wednesday, August 31, 2011
An Open Letter for my Nena
Monday, July 25, 2011
Ang Nago sa Ilong, Kaning Mainit at Stroller na naging diaper
Pasado alas-9 na ng gabi nung nakasakay ako ng shuttle sa Ayala pauwi sa amin. Medyo masakit na ang paa ko dahil sa maghapong paggawa (at dahil bago ang sapatos ko courtesy ng tatay ko. Tenks dad :D). Badtrip nga lang at hindi van ang natyempuhan kong shuttle kundi isang L300 na FB. Pero keri na rin, ang mahalaga, makauwi agad dahil gusto ko nang magrelax sa sala naming dim ang ilaw, umupo sa sofa, ipatong ang paa at magpatugtog ng CD ng Romance Revisited ni Christian Bautista.
Pagsakay ko sa FB, may nakaupo na sa paborito kong pwesto ng sasakyan, sa pinakadulong upuan sa bandang likod ng driver. Gusto ko umupo dun dahil hindi masyadong tutok sa aircon at maliit na electric fan lang ang katapat. Madali kasi akong ginawin. Kaya nga kahit gusto kong makakita ng snow, di ko pa rin pinangarap na tumira sa bansang sobrang lamig na kulang na lang ay manigas pati mga lamang loob mo sa lamig. Since may nakaupo na sa paborito kong pwesto, dun na lang ako naupo sa bandang gitnang bahagi ng mahabang upuan. Kitang kita ko tuloy ang lahat ng nakaupo sa katapat na upuan.
Habang nasa byahe, di ko na natiis na hindi inumin ang Quickly na binili ko para sana pasalubong sa kapatid ko. Pero sabi ko, baka tulog na yun. Kesa masayang, ako na lang iinom. Habang sinisipsip ko ang taro at nago gamit ang malaking straw na kasing laki ata ng tubo ng oxygen sa ospital, naagaw ang atensyon ko sa dalawang magsyota na nakaupo sa pinaka dulong upuan, bandang likuran ng katabing upuan ng driver. (Kuha niyo? O gusto n'yo idrowing ko pa). Ow Em Ji. Di ko kinaya ang eksena nila, kahit ang Nago na nginunguya ko ay nag-aaklas na muntik pang umeksit sa ilong ko. Paano ba naman, daig pa ang pusang di maihi na naglilingkisan. Si girl, nakasandal ang ulo sa balikat ni boy, kulang na lang magkapalitan sila ng mukha. Tapos sobra pa kung makakapit sa braso ng jowawi nya, kulang na lang eh matanggal ang braso ng lalaki. Si lalaki naman, hawi ng hawi sa buhok at nilalagay sa likod ng tenga ni babae, na di ko alam kung nababakla na ba ito o nainsecure sa shiny, bouncing hair ng GF nya. Kahit madilim sa loob ng FB, kitang kita pa rin ang kanilang paglilingkisan dahil sa mga ilaw sa poste at mga nakakabulag na headlight ng sasakyan sa kahabaan ng EDSA. Kahit na pinagtitinginan na sila ng mga pasahero sa FB, wapakels pa rin ang dalawang love birds na animo'y sila lang ang tao sa mundo. Siguro feeling nila, inggit lang ang mga tao sa kanila. Yung katabi ko nga na binatilyo, nakikipagsenyasan sa katropa niyang nakaupo sa harap niya at sinesenyas yung magsyota, tapos tatawanan nila. Yung ibang babae na pasahero naman, halatang asiwa sa dalawa. Yung mag-asawa naman na pasahero din, dedma lang. Siguro narerealize nila kung gaano sila ka-corny nung magjowa pa lang sila.
Pero sa totoo lang, bakit kailangan pa ipakita sa publiko ng ibang magsyota kung gaano sila ka-sweet. Bakit kailangan pa nilang mag PDA o Public Display of Affection samantalang pupuwede naman na magsuwit-sweet-an sila kung sila na lang. Tutal wala naman pakialam ang ibang tao sa kanila. Hindi naman dahil sa ako ay Bitter Ocampo kung kaya ko nasasabi ito, kundi sadyang nakakasiwa lang. Gusto ko nga makipagpustahan ng walang taya sa mga kasabayan kong pasahero eh. Pusta ko, pagka kinasal na kaya yung dalawa at may mga anak na sila, magagawa pa ba nilang maglampungan pa sa publiko?
May ilan akong nakakausap patungkol sa pananaw nila sa pag-aasawa. Sabi nila, dapat mag-asawa daw ng mga nasa early 20s para kung magkakaanak, hindi malayo ang edad mo sa anak mo. Kaya ba ang nanay ko e bente anyos lang ang tanda sa akin? Sabi naman ng iba, dapat bago ka magtrenta ay magasawa ka na. Kaya ba yung iba eh takot na takot na parang may sasabog na time bomb kapag trenta na sila ay di pa sila nagaasawa? Kaya naman kahit sino na lang ang dumating, keri na yan! At baka mahuli pa daw sa biyahe. Kako, saan naman papunta ang biyahe na iyan. Kung ang destinasyon ng biyahe mo e papunta sa dagat-dagatang apoy, ay di bale na lang. Maghihintay na lang ako ng last trip kung meron pa.
Gaya nga ng kasabihan ng mga matatanda, ang pag-aasawa ay di gaya ng kaning maiinit na pagka isinubo at napaso, pupuwede mo iluwa. Gasgas na kasabihan pero totoo. Walang solian ng asawa. Kahit na madiskubre mong may kurikong pala sa hita si lalaki o kaya ay naghihilik sa gabi si babae. Wala ring solian ng asawa lalu na kung nakatagpo ka ng biyenan na bumubuga ng apoy. Wala ring solian kung madiskubre mong di kayo talo ng misis mo dahil siya pala ay isang produkto ng makabagong siyensa mula sa Thailand.
Sa pag-aasawa kasi, napakarami mong dapat na isaalang-alang. Una, physically, emotionally, psychologically at mentally fit na ba kayo upang lumagay sa magulo, este sa tahimik? Baka naman konting tampuhan lang ninyong mag-asawa eh tatakbo ka sa magulang mo at magsusumbong ka na “Nay, inaway po ako ng asawa ko. Di na natin siya bati!”. Ikalawa, dapat mayroon kayong sariling tahanan. Di pwedeng sama sama sa iisang bubong. Dapat bubukod sa magulang, bagama’t napaka-common na yung nakiki-tira pa rin ang bagong mag-asawa sa magulang pero hindi dapat ganun. Mahirap makipag-agawan ng remote ng TV sa biyenan lalo na kung siya ang may-ari ng bahay. Isa pa, dapat ay may trabaho na sasapat sa pangangailangan ninyong mag-asawa at sa mga iba’t-ibang bayarin. Hindi sapat yung nagmamahalan kayo para kayo ay magsama. Di naman makakabusog ang pagmamahalan. Parang yung baraks ng mga kasamahan ko na mga lalaki sa Cubao. Palibhasa walang makain, nagmamahalan na lang daw sila. Tapos idagdag mo pa, paano kung magkakaanak na kayo? Ano ang ipapakain ninyo sa anak ninyo kung sa inyo nga lang na mag-asawa ay di na sapat ang kinikita ninyo? Di naman pupuwedeng AmBoy ang magiging anak ninyo na walang ibang laman ang tiyan kundi Am.
Kamakailan lang ay nanganak yung dalawang pinsan kong babae (alangan namang yung lalaki, wala naman kaming lahing seahorse). Parehong July pa ipinanganak yung dalawang babies, pareho pang babae. Sabi ko sa sarili ko, mukhang dumadami na kaming magkakauri na July ipinanganak. Anim na kami sa angkan namin na July ipinanganak. At nagkataon lang siguro na pare-pareho din kami ng ugali. Bratinella.
Pangalawang anak na nung mas matanda kong pinsan. At gaya ng ginawa niya sa una niyang anak, nangsosolisit siya ng mga regalo sa mga pinsan, tiyo at tiya. Kala mo ay captain ball ng basketball na nangsosolisit para sa palaro sa baranggay. Sinabihan niya ako na sagot ko na daw ang crib o kaya stroller. Yun ang pinaka mahal sa lahat ng mga nasa listahan niya. Tutal, kaya ko naman daw yun dahil may trabaho naman ako at wala naman daw ako anak. Sabi ko sa sarili ko, kaya nga ako di nag-aanak dahil ayaw ko bumili ng mga ganun no! Pagapangin nya kako sa sahig yung anak nya. Pero dahil sa naalala ko yung paksa tungkol sa mga bata, sabi ko na lang, sige sagot ko na lang diaper.
Ako ang panganay sa aming magkapatid. Pero sa edad kong ito, wala pa talaga ako balak na mag-asawa o magka-jowa man lang. Dahil na rin sa madaming trabaho ang titser kaya wala na talagang oras sa mga ganyan lalo na kung devoted ka sa propesyong ito. Sabi nila, ganun daw talaga ang mga titser. Pagpumasok ka sa propesyong ito, sa malamang ay tatanda kang dalaga, o kaya naman ay kung makakapag-asawa ka eh yung kapwa mo titser, sa kabila ng katotohanang ang ratio ng titser na lalaki sa titser na babae ay 1:20. Ibig sabihin, dalawampu kayong makikipag-agawan sa iisang lalaki, di mo pa alam kung yun ay isang Beki. Kaya sa malamang, yung pagiging matandang dalaga ang magiging tadhana mo. Pero di ako ganap na naniniwala dun. Dahil may mga kakilala akong mga titser na nakapangasawa ng mga foreigner. Yun ay noong nagtrabaho sila bilang DH sa ibang bansa.
Masaya ako sa buhay kong ganito. Mas marami akong nagagawa. Bagama’t nakikita ko sa magulang ko na masaya sila kapag may bata sa bahay, nauunawaan nila ang kalagayan ko. Pero minsan, napag-iisip rin ako, hindi dahil sa may balak ako. Iniisip ko lang ano kaya ang mangyayari kung halimbawang nasa kalagayan ako na may anak na inaalagaan? Makakakain pa kaya ako sa mga restaurant na gusto ko? Mabibili ko pa rin ba kaya lahat ng mga damit at gadget na gusto ko? Makakapunta pa kaya ako sa iba’t-ibang bansa? Magagawa ko pa kaya na gampanan yung lahat ng mga ginagawa ko ngayon? Sa malamang hindi. Pero yung paksa tungkol sa pagmamahal sa mga bata, tumanim sa isip ko yun. At alam ko na hindi naman ang pinatutungkulan lamang nun ay yung anak na galing sa sinapupunan ng isang ina. Naalala ko yung kaibigan ko na gusto daw niya magkaanak para makasunod sa utos na ibigin ang mga bata. Sa loob loob ko, napakaraming bata sa eskwelahan ang uhaw sa edukasyon dahil mismong amg mga magulang nila, di sila kaya turuan. Napakaraming bata ngayon sa bahay ampunan na naghahanap ng pagmamahal. Hindi kinakailangang galing sa sarili mong laman at dugo ang sanggol para makasunod na ibigin ang mga bata. Pupwede kang maging alagad ng edukasyon para magkaroon ng pagkakataong magmahal ng isa hanggang sikwentang bata sa isang classroom ng sabay-sabay. O kaya naman pupwede ka rin naman magbawas ng isa sa populasyon ng mga batang inabandona ng mga walang puso nilang magulang sa bahay-ampunan. Nagagawa ko na yung nauna awa't tulong, gusto ko namang subukan yung pangalawa. Pero yun ay ayon pa rin sa kalooban Niya. Malay ninyo, di ba?
Thursday, July 14, 2011
Studies vs Duties
It was in the year 2005 when I had to choose between my studies and my vow. I was taking up Education -- the 3rd course that I took up when I was in college. It was also my 7th year in college. Since I had shifted course 3 times already and I was overstaying in our school, I had to graduate by year 2006.
I asked for some advices. Some says that I have to choose my duties. Some says I had to choose my studies. I was confused, but I chose to finish my studies. Not because it's more important than my vow, but because I love my vow more than anything else in this world. Again, I chose to finish my studies and left my vow for a while because I love my duties more.
It was hard for my part seeing my batchmates become regular in their duties. I was a candidate for regular by that time and I admit, there were regrets. But I asked God in my prayers to help me finish my course. I told Him the reason why I had to leave my vow. I promised Him that after I finish college, I will return to the ministry and use the knowledge that I learned in college to help my leaders and the ministry.
God granted my prayers. He let me finish my studies. So in return, I have to fulfill my promise to Him. After I passed the board, I returned to the ministry. And it didn't take long, I was given "special" assignments that I never realized that will come to my life.
I admit, I had lots of shortcomings and wrongdoings, but I obtained mercy from God. Special tasks keep on coming from the time I fulfilled my promise to Him, up to the present.
With all these blessings, I thank God because I really witness how He helps me to keep my promise. All the tasks He is giving me requires my present profession -- the course that I chose to finish. All my dreams which I was very eager to pursue but seemed to be impossible are now coming into reality through our leaders. I just pray to God for His guidance because I admit, I can't do these things alone. But again, no words can express the gratitude that I am feeling right now. All I can say is THANKS BE TO GOD FOR HIS UNSPEAKABLE GIFT.
Wednesday, June 29, 2011
Dinner Dilemma
Tuesday, June 28, 2011
Learn a Little Mathematics
Friday, June 24, 2011
Lonely but not Alone
It has been a week since I last talked to Jie. We were supposed to see each other last Sunday but she didn't show up. I only had an idea on how was she doing through quotes and videos she posted in her Facebook that described how happy she was during that entire week. I texted her and posted messages to her wall but I received no reply. It was unusual. I know my friend. There might be a problem. And what she posted in her FB might be the exact opposite of what she really feels.
It was already 3am and I was still in front of my laptop. I cant sleep and my mind was still too active. Maybe because I had a heavy dinner -- Two cups of rice and Sinigang na Baboy with plenty of taba that melts in your mouth as my viand. I didn't want to sleeping right away since I ate too much and afraid of getting bangungot. So while waiting for the food to digest in my stomach, I just watched archive videos of a documentary program in the internet and updated my status message in Facebook.
As i checked on my facebook, I saw that the last message posted by Jie was just a few seconds ago. So I assumed that she was also online in YM during this wee hours of the morning. I buzzed her even she seemed to be offline. Though in invisible mode, she replied to me and we started chatting.
She confessed that she was in deep depression the past few days. She said she didn't want to continue anymore. Losing hope, colding faith, and even suicidal attempts kept on bothering her thoughts. "What happened? I just saw your posts and you were very happy", I told her. She said that she was just trying to make her self happy. Like a clown, she wanted to cover her wounded heart with a fake smile. Happy and fighting as people can see her, but in reality, she wanted to give up the hope she has attained. She felt that nobody loves her. She felt like her life is meaningless. She is already in her late 20s and she feels like her time bomb will explode when she reaches 30 without serious boyfriend. She also feels that she is not improving, but instead, she feels she is getting worst.
As our conversation gets deeper, my suspicion was that her ex-boyfriend caused her depression. Her ex-boyfriend was a colleage in the school organization which we all belong. Before, Jie and I were just acquaintance. I just knew Jie simply as his girlfriend. But when they broke up couple of years ago, Jie was really down and needed someone to talk to. Then, we just found ourselves exchanging stories and sentiments. Maybe a sort of anaesthesia or tranquilizer, inspite of bleeding heart and weeping eyes, we love hanging out together, cracking the corniest jokes and laughing as if there will be no tomorrow. Ironic but their broke up was the start of our beautiful friendship.
Jie was the one who introduced me to blogging. She is fond of posting anything on her blogsite. Through her online diary, I was able to understand the melancholy she was and is still going through, especially the agony she has been experiencing with her ex even after they broke up.
Some of our friends thought that she was just being melodramatic about all these things. But I could feel that her problems are very serious that she thought it would be better to end her life than continue trying to resolve them.
When she enumerated the reasons why she felt like giving up, I didn't ask any more questions. I didn't want her to recall whatever happened to her and her ex. I believe that when she gotten over him, she would be able to tell me everything that caused her so much pain. I just let her realize that she was wrong when she thought that nobody loves her, she's worthless, and she's bad turned worse becoming worst. I told her that there are more people who have worst problem compared to her. It is not worthy to lose her life because of her problems. And the solution to our problem is not very distant -- it is just as near as our knees to the floor when we kneel down and pray.
Few months ago, I talked to Jie because I was feeling depressed over the fact that I always fall short in my work, no matter how hard I try to improve. Then also, not to mention my sentiments about feeling alone and unnoticed by someone. I asked her "what's wrong with me? Why do I always fall short no matter how hard I try to make everything ok? And tell me, am I that unpretty?". Then she told me, "relaks lang, pray lang tayo. Isipin mo na lang andiyan lang si ano para sa iyo.Tsaka ano ka ba, nasa sa iyo na ang lahat ng katangian, wala ka nang hihilingin pa maliban sa liposuction. De, joke lang. Pinapatawa lang kita.."
Now, I want to give it back to her. Relaks ka lang. Pray lang tayo. Kapit lang, wag kang bibitaw. Bring back that smile on your face. Why do we have to think of the things that sadden us if there are more things that cheer us up? You may lose a stone, but there are golds and diamonds around you. You will not get harmed anymore if you will not let others to hurt you again. You have friends who will always be here to protect you with God's help and mercy. Most of all, there is God who lets us stand when we feel like giving up. We may sometimes be lonely, but we will never be alone.
*jie is not her nick name, neither part of her real name.
Wednesday, June 22, 2011
losing friends
Sunday, June 19, 2011
The sweet tweet :)


Friday, June 17, 2011
On Solitude*
Sometimes, we people become lonelier because we believe that being "not" lonely is to be surrounded by other people, with music blaring in the background. We go through life jumping from one relationship to another-- searching for the one that might make us "complete" -- not knowing that it's our own relationship with our own selves and with GOD that can make us whole.
*for those who feel alone and unloved :)
An excerpt from "On Solitude" . Some words were added to make it more true and acceptable.
Wednesday, June 15, 2011
Loving History
“History is a set of lies agreed upon.” - Napoleon Bonaparte |

Tuesday, June 14, 2011
Unexpected Independents Day Celebration




