Kung minsan, dahil sa curiosity, hindi ko maiwasan na maginterview ng mga mas matanda sa akin na wala pa ring asawa kung bakit hanggang ngayon ay single pa rin sila. Sa ilang mga nakausap ko, ang isa umano sa mga dahilan kung bakit nila pinili ang maging "matandang dalaga" ay dahil bukod sa may mas mahalagang bagay silang hinaharap, ay dahil sa mga hindi masyadong magagandang experiences nila patungkol sa pag-ibig. Sabi nila, sapat na sa kanila yung magmahal ng minsan at nasaktan. Ayaw na daw nila kumuha pa ng batong ipupukpok lang ulit sa ulo nila.
Minsan, sinasabi ng tao takot siya magmahal. Pero kung tutuusin, hindi talaga tayo takot magmahal, kundi takot tayong masaktan. Kaya para huwag masaktan, hindi na lang tayo nagmamahal (or should I say, pinipigilan natin ang ating sarili na magmahal).
Isang paraan yun para iwas sakit ng kalooban. Dahil kung minsan, yung akala mo ay pagibig na, ay siya palang magiging dahilan para masaktan tayo ng lubusan. May pagkakataon sa buhay natin, umibig ka sa isang tao, na sa kanya lang umikot ang mundo mo, na ibinigay mo na ang lahat sa kanya, ngunit sa bandang huli ay iiwan ka lang niyang mag-isa (read: nga-nga). Kung minsan, umibig ka sa isang tao, yun pala mayroon na siyang iba. At kung minsan naman, umibig ka sa isang taong akala mo ay siya na, yun pala ay di lang ikaw-- kundi marami pala kayo buhay niya. Kung lahat ng ito ay naranasan mo, at hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nakakatagpo ng para sa iyo, maiintindihan na siguro kita kung bakit masasabi mong "pagod na ang puso ko na umibig, at ayoko nang umibig pa".
Ngunit mayroon namang sinasabi si Shakespeare na, "It is better to have loved and lost than never to have loved at all". Hindi lang naman kasi sakit at sama ng kalooban ang maidudulot ng pag-ibig. Hindi lamang iyon ang kahulugan ng pag-ibig. Malawak ang sakop ng salitang "pag-ibig". At hindi ito nauukol lamang sa dalawang taong nagmamahalan.
Sa aking personal na karanasan, marami akong natutunan dahil sa pag-ibig. Ang pag-ibig ang nagtuturo sa akin na magkaroon ng lakas ng loob na magpatuloy sa kabila ng mga challenges na dumadating. Dahil sa pag-ibig, natutunan ko na unahin muna ang sa iba kaysa sa sarili. Dahil sa pag-ibig, mas naging maingat ako sa aking pagdedesisyon at sa paggawa para huwag masaktan ang kalooban ng iba at para manatili sa mga bagay na ipinagkatiwala sa akin. Dahil rin sa pag-ibig, mas natuto akong magtiwala sa magagawa Niya at hindi sa sarili kong pang-unawa. At higit sa lahat, dahil sa pag-ibig, nagkaroon ako ng biyaya mula sa Kanya, na ipinagkaloob Niya sa akin dahil pa rin sa pag-ibig.

Kahit ano man ang naranasan natin dahil sa pag-ibig, walang dapat pagsisihan sa mga ito. Kundi bagkus, dapat itong magsilbing aral sa atin. Hindi sapat ang sakit na naranasan natin para manghimagod tayo at mawala ang pagibig. At kahit ano man ang mangyari, kahit ano pa man ang aking maranasan, sa awa't tulong Niya at patuloy pa rin akong iibig at iibig pang muli. Dahil alam ko na ang pag-ibig ay nananatili, at ang tunay na pag-ibig ay hindi nagwawakas.