“History is a set of lies agreed upon.” - Napoleon Bonaparte |
Pagka tinanong ako kung ano ang pinaka ayaw kong subject, ang agad kong sinasagot ay HISTORY. Hindi kagaya ng iba na Math ang madalas na sinasagot, History talaga ang pinaka ayoko (at Math naman ang pinaka gusto). Hindi ko talaga siya naappreciate mula bata pa hanggang college. Siguro dahil hindi magaling ag teacher ko nung elementary (yoboooong nomooon!). Eh paano ba naman, wala talaga ako natutunan sa klase niya. Kasi ang palagi naming ginagawa sa klase ay kumanta ng mga kanta sa "El Shaddai". Promise. Minsan nga, akala ko Christian Living ang klase namin, Pero hindi. History pala. Kaya siguro kahit tumuntong na ako ng high school at college, hindi ko pa rin talaga naappreciate ang kahit anong subject na related sa history o social science. In fact, consistent na yun ang may lowest grade ako.
Kaya nung grumaduate ako ng college, pakiramdam ko nakalaya ako. Kasi wala nang history pa akong dapat na pag-aralan. At kahit nagtuturo na ako, pinangunahan ko na ang mga co-teachers ko na huwag na huwag ako bibigyan ng load na History, kung ayaw nila magulo ang kasaysayan ng Pilipinas.
Pero akala ko makakatakas na ako sa bangungot ng nakaraan...
Bukod sa pagiging college instructor ngayon, nagtututor din ako sa anak ng COO ng isang TV Station. (You've read it right. COO ng isang TV Station :D ). Naka-enrol kasi sa home study program yung anak niya. So it means, walang regular na klaseng inaattenan. Everything is modular. Kaya kinakailangan ng magtu-tutor dun sa bata.
Hindi naman sa pagmamayabang pero hindi naman masyado mahirap ang magtutor lalu na kung sa kagaya kong teacher talaga. Yun nga lang, eto ang challenge: (a) high school na yung bata; (b) may pagka hyperactive at madaling madefocus; (c) kasama ang History sa ituturo ko!
Oh my.. hindi ko talaga alam kung papaanong teaching strategy ang gagawin ko para maituro ko sa kanya effectively ang Philippine History, lalu na sa kagaya niya na hyperactive at madaling madefocus, at sa kagaya kong iskul bukol sa subject na yun! Isa pa sa nakaka pressure ay abogado yung nanay niya! Kaya nakakahiya talaga kung mali maling accounts sa history ang ituturo ko lalu na't nagtatanong yung bata sa nanay niya. Hayy gulay. Pero ang kagandahan lang sa kanya eh madali siya makaintindi sa ibang subjects like Math, Science, etc. Madali lang naman niya maunawaan yung History, pero hindi yung memorizing the exact names and details na napaka importante sa History.
So what I did is nagsearch ako sa internet how to teach History effectively. How do I love thee? Let me count the ways:
1. Make a Connection to Today
Kailangan daw, ipakita yung connection ng History sa present situations and events. Iencourage sila na gawing alive yung history. For example, ano yung ipinagdiwang last sunday (June 12), sino ang nanay at tatay ni noynoy at kris aquino, anong region sakop ang probinsya nila, etc. Isama mo pa na pag-usapan yung buhay ng mga heroes as if pinagchichismisan n'yo lang yung kapit-bahay ninyo. And it was effective!
2. Use Music, Film, and Technology
May laptop yung estudyante ko na wala siyang ibang pinaggagamitan kundi panuoran ng My Little Pony sa You Tube. (Oh, didn't I mention? My student is a boy.) Kaya naisip ko, bakit hindi ko gamitan ng power point presentation kahit na mag-isa lang siya na estudyante ko? Sakto naman at may prepared ppt yung isang co-instructor ko na ginamit niya sa History Class niya. At nakikita pa niya ang pictures ni Emilio Aguinaldo, William Howard Taft and other characters sa History. Aside from powerpoint, alam niyo ba na pati kanta ni Yoyoy Villamin ay ginamit namin for history? (♫ On March 16, 1521, when Philippines was discovered by Magellan...♫ )
3. Making Lesson Interactive
Aside from question and answer, I also provide reviewer sa estudyante ko. Minsan, may color coding at ginagawa kong makulay. Para hindi lang yung cue words ang matandaan niya kundi para makatulong yung color coding sa pagmememorize niya. I was the one who writes the important details sa isang sheet of paper. Para imbes na yung buong module niya yung nirereview niya, yung reviewer na lang. Pero niremind ko siya na huwag na huwag niyang gagamitin yung reviewer niya kapag nagtetake na siya ng exam. :D
Sa pamamagitan ng mga stategies na ito, nakita ko na effective ito sa estudyante ko. Huwag lang uulitin yung strategy na ginawa na last time, para hindi rin nakaka boring sa bata. Kaya hindi lang tuloy yung estudyante ko yung nakakaintindi ng history kundi pati ako rin. Feeling ko nagaaral ulit ako, parang elementary lang. I admit, I used to hate history. But I'm starting to love it :)
TEACHER SHEILA:
ReplyDeleteWho founded the La Liga Filipina?
a) Andres Bonifacio
b) Jose Rizal
c) Emilio Aguinaldo
d) Emilio Jacinto
ELLAY: Mam, may I go out?
HAHAHAHAHA