August 26, 2013. Holiday dahil National
Heroes Day. Bagamat wala kaming pasok sa school, kinailangan ko pa rin pumunta
dahil mayroon kaming meeting ng mga instructors. Habang nasa byahe ako ay
naipit naman ako sa matinding traffic mula Roxas Blvd. hanggang T.M. Kalaw.
Mayroon nga palang Million People March na ginaganap sa Luneta. Halos daang
libong taong mga nakasuot ng puti ang nakikita kong may dalang mga placards.
Lahat sila kontra sa Pork Barrel. Lahat sila gustong iabolish na ang Pork
Barrel.
Ano ang Pork Barrel?
Ang paggamit ng salitang PORK BARREL ay
nagmula umano sa mga kasaysayan ng mga Amerikano. Noong panahon daw kasi bago
ang Civil War, binibigyan ang mga alipin sa Amerika mula sa bandang katimugan
ng mga baboy na nasa bariles bilang regalo sa holiday. Ang mga alipin naman ay
nakikipagkumpitensya sa ibang mga alipin para makuha ang parte nila sa nasabing
regalo.
Ngunit pagdating sa politika, ang Pork
Barrel ayon sa http://tl.wikipedia.org ay
ang nilaang malaking halaga ng pambansang taunang badyet ng pamahalaan sa mga
mambabatas ng bansa. Ang bawa't senador ay pinaglalaanan ng 200 milyong piso at
ang bawa't kinatawan ay pinaglalaanan ng 70 milyong piso sa programang
tinatawag na Priority Development Assistance Fund o PDAF.
Bakit gusto (o mahalaga) ng mga politiko
ang Pork Barrel?
Para sa mga politiko, mahalaga ang
mabigyan sila ng Pork Barrel o ng bahagi sa taunang badyet ng pamahalaan dahil
ito ang nagagamit nila para matustusan ang kanilang mga proyekto para sa mga
mamamayan.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, ang isang
kurakot na mambabatas ay maaaring makakuha ng hindi bababa sa 20 porsiyentong
komisyon sa paggamit ng kaniyang taunang itinalagang pork barrel para sa
inprastraktura at iba pang mga proyekto. Ayon din kay Lacson, ito'y
nangangahulugang ang isang kurakot na senador ay maaaring makapagbulsa ng 40
milyong piso kada taon, 240 milyong piso sa anim na taon at 480 milyon sa 12
taon.
Ito ang ipinaglalaban ng mga raliyista --
ang alisin na ang Pork Barrel dahil ito ang nagiging dahilan ng corruption.
Imbes na mapunta sa taumbayan ang buwis na kanilang ibinigay sa pamamagitan
ng mga proyekto, ay napupunta lang sa mga bulsa ng mga kurakot na politiko.
Makakagawa ba ng proyekto ang mga politiko
kahit walang Pork Barrel?
Oo, makakagawa pa rin ng
proyekto ang mga politiko kahit walang Pork Barrel. Kung bibigyan man sila ng Pork Barrel, dapat lang ay tama ang paggamit nito. Pero kung tutuusin, hindi na
talaga nila kailangan ng Pork Barrel. Hindi ba't kaya sila tumakbo noong eleksyon dahil
gusto nila maging PUBLIC SERVANT? Ibig sabihin, maglilingkod sila sa
bayan sa kanilang sariling paraan, hindi sa paraang kukuha sila ng pera sa mga
mamamayan na siya nilang gagamitin para pang tulong din sa mga mamamayan. Para na
nilang ginisa sa sariling mantika ang mga tax payers.
Kaya nga noong may nabasa akong article na
sinabi umano ng isang Congresswoman sa isang probinsya na "Ok lang na alisin ang pork barrel. Basta huwag lang manghihingi sa amin ang mga mamamayan. E ano'ng ibibigay namin? Hindi naman pwede yung pinaghirapan namin dahil sa personal naman namin 'yun, sa mga anak, sa mga pang-araw-araw na panggastos namin." Sa loob-loob ko, hindi ata nalalaman ng
Congresswoman na ito ang salitang "PUBLIC SERVICE". Kaya ka lang ba
tutulong sa mamamayan kapag binigyan ka ng pera na galing rin sa kanila? At
kung wala nang ibigay sa iyo, hindi ka na gagawa ng mabuti sa kapwa mo dahil
yung pera mo ay para lang sa inyo ng pamilya mo? Hindi ko alam bakit siya
nanalo kung ganun ang pananaw niya.
Public Service Without The Pork Barrel.
Hindi kinakailangan ng Pork Barrel para makatulong
sa mamamayan. Sa katunayan, nagagawa nina Bro. Eli Soriano at Kuya Daniel
Razon na tumulong sa kapwa kahit hindi sila politiko at wala naman silang
pork barrel na natatanggap. Nagagawa nila ang iba’t ibang paglilingkod sa kapwa
ng LIBRE at walang hinihintay na kapalit gaya ng mga
sumusunod:
- Libreng Sakay (Bus, Jeep,
Lantsa, Eroplano)
- Free Clinic (everyday)
- Free Transient
- Free Legal Consultation
- Free Education (Preschool to
College)
- Feeding Programs
- 24/7 Rescue (Tulong Muna Bago
Balita / Tulong Muna Bago Pasada)
- Orphanage
photos courtesy of
http://www.danielrazon.org
Bukod pa dito ay on-going ang UNTV Cup,
isang basketball league na panukala ni Kuya Daniel Razon kung saan mayroong 7
teams na naglalaro para sa premyong 1 milyong piso. Ngunit ang halagang ito ay
hindi mapupunta sa mga manlalaro kundi sa charitable institution na napili
nilang tulungan.
photo courtesy of
http://www.untvweb.com
Ang Konklusyon
Mahalaga ang Pork Barrel kung tama ang paggamit dahil maari itong gamitin para sa mga proyektong ang pangunahing makikinabang ay ang mga mamamayan. Pero hindi dapat nakadepende lang sa Pork Barrel ang pagtulong sa kapwa. May Pork Barrel man o wala, magagawa mo pa ring makatulong sa kapwa tao kung talagang gugustuhin mo. Dun mas makikita ang intensyon ng tao lalo na ng mga politiko kung sinsero sila sa pagtulong. Maari namang makagawa ng mga public services ang mga politiko kahit walang pork barrel. Katunayan, nagagawa ito nina Bro. Eli Soriano at Kuya Daniel Razon. Bagama’t hindi sila mga politiko, bagama’t wala silang Pork Barrel, at bagama’t pinasasama sila ng mga kaaway nila, patuloy pa rin ang kanilang paglilingkod sa kapwa, at patuloy na ginagawa ang tunay na kahulugan ng PUBLIC SERVICE.
Mahalaga ang Pork Barrel kung tama ang paggamit dahil maari itong gamitin para sa mga proyektong ang pangunahing makikinabang ay ang mga mamamayan. Pero hindi dapat nakadepende lang sa Pork Barrel ang pagtulong sa kapwa. May Pork Barrel man o wala, magagawa mo pa ring makatulong sa kapwa tao kung talagang gugustuhin mo. Dun mas makikita ang intensyon ng tao lalo na ng mga politiko kung sinsero sila sa pagtulong. Maari namang makagawa ng mga public services ang mga politiko kahit walang pork barrel. Katunayan, nagagawa ito nina Bro. Eli Soriano at Kuya Daniel Razon. Bagama’t hindi sila mga politiko, bagama’t wala silang Pork Barrel, at bagama’t pinasasama sila ng mga kaaway nila, patuloy pa rin ang kanilang paglilingkod sa kapwa, at patuloy na ginagawa ang tunay na kahulugan ng PUBLIC SERVICE.
Agree to the nth power!!! Ang tunay na Public Service ay hindi nangangailangan ng posisyon sa pamahalaan, kahit walang posisyon, kung gusto mag-serbisyo sa publiko, kaya... isang buhay na halimbawa ang ginagawa nina BRO. ELI SORIANO at BRO. DANIEL RAZON...
ReplyDeleteung iba, nagkakandarapa manalo sa eleksyon, ginagawa pang sangkalan ang public Service kuno... I salute those who joined the 1 Million March sa Luneta last Aug 26. May nabalitaan nga akong umepal, kaso pinaalis din ng mga tao... minsan mas maayos ang rally pag walang epal na pulitiko... #medyobitter