What is ChalkNot?
Thursday, February 21, 2013
A Taxi Story
Past 10pm. Pauwi na ako galing duty. Since sa Far North ako destino at uuwi pa ako ng South, I have to take a cab hanggang Maynila dahil wala nang LRT/MRT.
While on the taxi, di maiwasan na may kailangan makausap sa phone. At sa paguusap sa phone, di rin maiwasan na gumamit ng mga words na church-related like "Bro, Sis, Lokal" etc.
After the conversation, nagtanong ang driver kung (name ng isang kilalang religion) daw ba ako. Kinabahan na ako. Binalik ko yung tanong sa kanya. Sabi niya oo daw. Bingo! Tapos tinanong niya ako saang lokal daw ako. Sabi ko sa sarili ko, yari, pinagkamalan ako. Kaya nagpretend na lang ako. Sabi ko Caloocan (may nakikita kasi ako dun). Tinanong ko rin siya (para di ako mahalata). Sagot naman siya, sa keme kemerloo daw siya, pero gumaganap daw siya sa kemerloo, etc. Tinanong niya ako kung gumaganap (may tungkulin) daw ba ako o ano. Sabi ko wala. Busy ako sa trabaho kaya di ako gumaganap. Mukhang naintindihan naman niya ako kasi siya rin walang tungkulin sa kanila.
I was trying to divert the topic. Pero mukhang masaya siya na nakakuha siya ng pasaherong ka-"relihiyon" niya. Proud siya na ikwento yung pinanggalingan niya, at yung mga ginagawa niya.
Pero dito na ako mas kinabahan. Nagkwento na siya na "diba sa atin, pagka may naagrabyado, hindi tayo papayag na maapi sa atin." sagot naman ako "siyempre". Sabi niya "kaya nga nung yung isang (mataas na posisyon sa miyembrong lalaki) sa blah blah, nung binaril siya, sinugod namin yung bumaril eh. Paano ba naman, sinita kasi niya yung nagsisiga ng wire. Eh tinutukan siya ng baril. Ang ginawa niya, pumasok. Kumuha ng itak. Ang mali niya, itak ang kinuha niya. Dapat yung gamit (baril) niya. Kaya ayun, binaril siya sa ulo."
Nagtanong ako, "Ano na po nangyari dun sa bumaril"
"Sinuyod namin yung lugar. Hinanap namin. Swerte niya di namin siya nahuli. Kasi kung nagkataon, sasalvage-gin talaga namin yun"
*Gulp*. Lumingon na ako sa paligid kung safe na ba bumaba. Pero either way, magstay man ako sa taxi o bumaba man sa kalsada, parehong hindi safe. So I just continued yung pagpepretend ko na "lamig".
Edi nagtanong ako (para maiba lang ang topic), "taga saan ka kuya?"
Sagot naman siya, "taga mindanao talaga ako. Dun ako nakakilala. Kinukuha nga nila ako dun na (pangalan ng Security Group). Pero sabi ko hindi muna. Sasama na lang ako pagka may "operation".
Nagets ko agad ang ibig sabihin niya sa salitang "operation".
"Sa mindanao din, may isa dun, narape. Ang ginawa sa mga nangrape, niresbakan. Binuhusan ng gasolina. Tapos sinunog."
Wala akong ibang nasabi kundi "grabe".
Buti na lang, pababa na ako. Nagbayad na ako. Di ko alam kung eksakto lang ba ibabayad ko o bibigyan ko siya ng tip dahil sa pagkakahatid niya sa akin.
Nag-thank you ako kay kuya. Nagthank you din siya at nagsabing "ingat ka".
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment