(Posted on June 22, 2012)
Iba't iba ang pananaw ng tao sa panaginip. May mga panaginip na nagkakatotoo. Meron naman totoong nangyayari pero parang panaginip lang. Ngunit mayroon namang mga panaginip na hindi lang magkakatotoo kundi kasalukuyan na palang nangyayari.
Martes ng hapon. Naglalakad ako sa lobby ng school nang lumapit sa akin yung nagseset up ng audio sa auditorium. Sabi niya, "Sis Sheila, magseset-up lang kami sa taas." Tinanong ko siya, "ay, para saan po?" Wala kasi akong idea kung ano ang meron dahil ang alam ko, hindi tuloy yung dapat na naka schedule na taping. Sabi niya, "in case lang na may biglang dumating". Agad ko naisip, si kuya? Andito na kaya si kuya? Gusto ko sana tanungin pero nahiya naman ako kaya tinanong ko na lang kung kelan ang taping ng ASOP. Inisip ko na lang, baka kasi sila yung biglang dumating. Pero sa loob loob ko, sana si Kuya.
Alas-dos ng madaling araw lang ako nakauwi at nakatulog. Ramdam ko ang pagod sa buong araw na paggawa kaya naman agad ako nakatulog at nanaginip ng isang napakagandang panaginip.
May event daw na gaganapin sa auditorium. Medyo iba ang setting ng auditorium pero alam ko, yun yung auditorium ng school. May ilang mga kilala akong tao sa panaginip ko. Isa na dun si Kuya Daniel. Binisita niya daw yung auditorium. Tinignan kung maayos ba ang pagkakagawa, etc. habang ang iba naman ay abala sa pagseset up. Nung bumaba daw ako, nakita ko daw na bukas ang ilaw ng office niya, patunay na anjan nga si kuya.
Mga alas 8 na ng umaga. Tumigil ang electric fan. Nagising ako sa brown out. Bumangon na ako. Pero kahit na puyat, ipinagpasalamat ko pa rin ang magandang umagang dumating. Pakiramdam ko kasi, ang haba ng tulog ko. Maganda ang gising dahil maganda ang panaginip.
Kinumusta ko ang lagay ng school kay Tykes. Sabi niya...
"Dumaan daw dito si KUYA. Kaninang alas-4 ng madaling araw. Tinignan lang yung auditorium."
:)
No comments:
Post a Comment