Kay tagal mong naghintay
Halos mamuti na ang mata mo sa kakahintay
Kaya naman natuwa ka nung may dumating
Yun nga lang, sa maling lugar ka nagabang.
Nagmadali ka. Hinabol mo siya
At habang naghahabol ay nakita mong nakasakay na yung iba
Hanggang sa nagsara na ng pinto
Hindi na niya nagawang maghintay.
Bigo ka nang makasakay.
Naghintay ka muli
Pero sa pagkakataong ito, plinano mo kung saan pupwesto
Sinigurado mo na maghihintay ka sa tamang lugar
Para kung mayroon mang dumating
Hindi ka na maghahabol.
Hindi ka maiiwan sa biyahe.
At hindi ka nga nagkamali.
Mayroong dumating
Sa tamang oras, sa tamang lugar.
Pero pagbukas ng pinto,
Nakita mo, puno.
Wala nang bakanteng lugar para sa iyo
Ngunit nagbakasakali ka pa rin na baka pwede pa
Kaya't ipinilit mo ang sarili mo
Kahit nasasaktan ka na.
Pilit mo pa ring isinisiksik ang sarili mo
Makasabay lang sa biyahe niya.
Kaso, talagang hindi ka na kakasya
Kaya kusa ka na lang humakbang, paatras
Hinayaan mo silang umalis.
Hinayaan mo sila.
Pero sa kabila nito, hindi ka nawawalan ng pagasa
Hindi pa naman siguro dumaan ang last trip
Mayroon pa sigurong darating
Yung hindi mo kailangang habulin
Yung hindi mo kailangang ipilit ang sarili mo
Mayroon pang darating na magbubukas ng pinto
Sa tamang lugar, sa tamang panahon
At sa kanyang pagdating, alam mong hindi ka nakikisiksik lang
Dahil mayroong"reserved seat" na sa iyo inilaan.
#FreeVerse
#Poetry
#PhilippineLiterature
#SlamPoetry
#TripLang
#SingleJourney
#IdaanSaTulaAngBadtripSaMR
#ConsistentSaPoorService
No comments:
Post a Comment